by Reden Escarilla, Romblon News | Saturday, 07 May 2016
Aabot sa mahigit 5,000 libo ang dumalo sa meeting de avance sa bayan ng Odiongan ng Liberal Party – Nacionalista Party Coalition na binubo ni San Agustin Mayor Emmanuel Madrona at Governor Eduardo Firmalo.
Dito muling ibinida ng dalawa ang kanilang mga plataporma para sa pagpapatuloy ng pag-unlad ng probinsya ng lalawigan.
Dumalo rin sa nasabing meeting de avance sina incumbent Congressman Eleandro Madrona at Vice Governor Otik Riano.
Kasama rin ng grupo ang kanilang mga pambato para sa Sanguniang Panlalawigan at ang grupo ng LP-NP Coalition sa bayan ng Odiongan na pinamumunuan ni Mrs. Trina Firmalo-Fabic at Vice Mayor Mark Anthony Reyes.