by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 07 May 2016
Kitang-kita parin ang pagkakaisa ng mga miyembro ng United Nationalist Alliance o UNA sa bayan ng Odiongan.
Sa kanilang meeting de avance sa bayan ng Odiongan nitong Biyernes ng gabi, full force ang grupo magmula sa municipal level hanggang sa provincial level.
Binahagi ni dating Judge Jose Madrid na tumatakbo sa pagka-congressman ngayong halalan ang kanyang mga plataporma at mga nagawa nito sa lalawigan ng Romblon noong siya ay gobernador pa lamang.
Kasama ni Madrid ang nag-iisa nilang pambato sa Sanguniang Panlalawigan na si Atty. Orlalyn Fetesio.
Sa mensahe naman ni Robert Maulion na tumatakbo sa pagka-Mayor ng Odiongan, hinamon nito ang kanyang mga leaders na huwag matako lalo na at papalapit na ang election.
Hinamon niya rin ang mga dumalo na bigyan ng tyansa ang kanyang grupo at sa loob ng tatlong taon ay kanilang mas pauunlarin pa ang mga barangay ng Odiongan.