0by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 07 May 2016
Full force ang mga taga suporta ni Calatrava Mayor Robert Fabella sa isinagawa nilang motorcade nitong nakaraang Miyerkules sa buong Tablas Island.
Aabot sa mahigit 3,000 libo na mga taga suporta ng alkalde ang sumabay kay Fabella sa pag-iikot sa gitna ng tirik na araw.
Sa meeting de avance ni Fabella kinahapunan ng miyerkules sa Odiongan, pinasalamatan nito ang mga taga suporta nito na patuloy na nagtitiwala sa kanya.
Base sa survey ng Radyo Natin Odiongan, Si Fabella na tumatakbo sa pagka-Congressman ng lalawigan ay nangunguna parin hanggang sa ngayon.