by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 03 May 2016
Kasabay ng pag-anunsyo sa kanilang susuportahan sa pagka Presidente at bise-Presidente, inanunsyo na ngayong araw, May 03, ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Odiongan sa Romblon ang kanilang susuportahang kandidato sa pagka-Congressman, Governor at Sanguniang Panlalawigan Members.
Ayon sa source ng Romblon News Network, susuportahan umano ng INC sina Calatrava Mayor Robert Fabella na tumatakbo sa pagka-Congressman at si re-electionist Govenor Eduardo Firmalo.
Kilala ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa pagkakaisa sa kandidatong susuportahan tuwing halalan.
Sinabi rin ng source ng Romblon News Network na suportado rin ng INC ang mga Sanguniang Panlalawigan Members na pambato ng LP-NP Coalition para sa First and Second District ng lalawigan.
Kinumpirma rin ni Mayor Fabella ang report at sinabi na tumawag na sa kanya ang pamunuan ng INC kaugnay sa balita.