by Ken James Fadriquela, Romblon News | Monday, 09 May 2016
Maaga pang nagsipaghanda ang mga Board of Election Inspectors sa probinsya ng Romblon para sa gaganaping eleksyon ngayong ika-9 ng Mayo, 2016. Pasado alas-3 na ng umaga ng dalhin ng COMELEC ang iba’t ibang balota sa mga presinto.
Pagkatapos tanggapin ng BEI ang mga balota hinintay nila ang pagdating ng watchers ng bawat grupo ng kandidato at COMELEC Personnel. Sinimulan ang Pagboto sa ganap na alas sais ng umaga.
Mahigpit naman nilang pinapatupad ang “First Come First Serve” na pagpila. Ang mga botante ay kailangang maghanap ng kanilang bilang sa Voter’s List sa bawat Presinto.
Magtatapos ang halalan ng alas-5 ng hapon ngayong araw.