Patay na ng ma-rescue ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection Looc ang isang lalake matapos na ma trap ito kasama ang mga pinsan niya sa isang butas sa Brgy. Lemon Norte, Looc, Romblon nitong Huwebes, April 28.
Nakilala ang nasawi na si Suner Roldan, residente ng Brgy. Rizal, Odiongan, Romblon.
Inoobserbahan naman sa Romblon Provincial Hospital si Teddy Roldan na kasamang na trap ng biktima sa nasabing butas.
Ayon sa may-ari ng lupa na si Honrado Grimares, hindi umano nila alam na nandun ang magpipinasan sa kanilang lupa. Naghahanap umano ang magpipinsan ng ginto sa nasabing butas o tunnel.
Ayon pa kay Grimares na unang rumesponde sa mga na-trap, sumingaw umano ang Carbon Monoxide mula sa kanilang makina na ginagamit sa pagbubutas at ito ang naging dahilan kung bakit nahilo ang magpipinsan.
Matagal ng ipinagbabawal ang pagmimina sa lalawigan sa bisa ng isang resolution na inilabas ng provincial government ngunit talamak parin sa lalawigan ang ilang small scale mining.