by Bebito Gado Jr., Romblon News | Tuesday, 26 April 2016
Sugatan nang maisugod sa isang hospital sa bayan ng Looc ang isang Orly Taytay matapos na sumagi ang minamaneho niyang motorsiklo sa ilang nakaparadang sasakyan at kasalubong nitong motorsiklo.
Ayon sa kwento ng mga nakasaksi, mabilis umano ang patakbo ni Taytay na nagmamaneho ng isang RUSI branded na motorsiklo.
Nag-overtae umano si Taytay sa isang XRM branded na motorsiklo at di namalayay sumagi ito rito na naging dahilan nang pagsimplang ng dalawa.
Sugatan rin ang dalawang nakasakay sa XRM branded na motorsiklo pero nakauwi rin kalaunan.
Bago pa umano ang nasabing aksidente ay nakasagi na rin ng dalawa pang motorsiklo ang lasing na rider.