by Lyle Formilleza, Romblon News | Saturday, 30 April 2016
Sugatan nang maisugod ngayong gabi sa Hospital ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang mag-asawa matapos na walang habas na pagtatagain ng nag-amok na lasing sa Sitio Buliganay, Brgy. Panique, Odiongan, Rombon.
Nakilala ang mga biktima na sina Daisy at Nasario Raymundo Gusi.
Ayon sa dalawang matandang mag-asawa, pasado alas-6 ng gabi ng mapagtripan umano sila ng lasing na suspek matapos na taga-in ang kanilang alagang aso.
Nagtamo ng sugat sa kamay at likod ang mag-asawa na ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa Romblon Provincial Hospital.
Patuloy naman na pinaghahanap ng mga kapulisan ang suspek na di umano ay tumakbo papunta sa bundok matapos ang aksidente. Ayon sa PMP ang suspek ay si Jhony Mingo, 32.
Nakuha na rin ng mga kapulisan ang affidavit ng ilang witness sa nasabing pangyayari.