by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 10 April 2016
Halos 7 oras na nasunog ang ilang bahagi ng kagubatan sa Barangay Anahao sa bayan ng Odiongan
Ayon sa mga residente ng Barangay Anahao, pasado alas-12 umano nang tanhali nang magsimula ang apoy at gabi na nang tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection Odiongan.
Sa initial na impormasyon na nakuha ng RNN, halos 3-hectares na lupa ang nasunog dahils sa apoy.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection Odiongan kung ano ang maaring pinagmulan ng apoy.