by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 20 April 2016
Sumiklab pasado alas-11 ng umaga ngayong araw ang isang sunog sa isang damuhan sa Barangay Tumingad sa bayan ng Odiongan sa lalawigan ng Romblon.
Ayon kay Rodelyn Ferrancullo na nakasaksi sa pangyayari, dali-dali umano silang humingi ng tulong sa mga kalapit na bahay upang mapatay ang apoy dahil sa unti-unti na umano itong lumalaki.
Naagapan naman ang nasbing sunog at agad na naapula pasado alas-2 ng hapon at hindi na rin nakaperwesyo pa sa ilang kabahayan sa lugar. Wala ring nasaktan sa pangyayari.
Maari umanong sobrang init na panahon ang dahilan kung bakit sumiklab ang nasabing apoy.