by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 19 April 2016
Isang 17-gross ton na bangka ang hinarang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa bayan ng Sta. Fe, Romblon dahil umano umalis ito nang Caticlan nitong Sabado, April 16 na overloaded ng pasahero.
Ayon sa report ng PCG, ang bangka ay ang M/Bca Ven-VI na pagmamay-ari nang isang Venus Visca, ay may capacity lamang na 66 katao ngunit umalis ito ng Caticlan na may sakay na 83 pasahero.
Umalis rin umano ito ng Caticlan nang walang clearance galing sa Coast Guard Station (CGS) Caticlan.
Ipinatawag na ng CGS Romblon ang may-ari nang bangka para sa adjudication.