by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 06 April 2016
Nasabat kaninang hapon ng pinagsamang lakas ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station at Romblon Provincial Public Safety Company ang isang .38 caliber na baril at ilang drug paraphernalia sa isang bahay sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Dala ng grupo ang search warrant galing sa Odiongan-Ferrol MCTC, dahil sa ulat na merong itinatagong baril ang suspek na nakilalang si Erwin Selodio.
Nakuha ng grupo ang baril sa ilalim ng higaan ni Selodio at ang ilang drug paraphernalia naman katulad ng foils, sachets, at lighters ay nakuha sa basurahan.
Hindi naman naabutan ng grupo ang suspek sa bahay at maaring natunugan nito ang gagawing operasyon.
Maaring maharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 10591 at RA 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.