by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 04 March 2016
Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Coast Guard Station Romblon ang pasahero ng Barko ng Montenegro Shipping Lines na biyaheng Romblon, Romblon galing Odiongan, Romblon na hinihinalang tumalon sa kalagitnaan ng biyahe kaninang madaling araw.
Nakilala itong si Julie Ann Recto, 35 years old, residente ng Magdiwang, Sibuyan Island, Romblon.
Ayon naman sa kwento ng kasama ni Julie Ann sa biyahe na kanya ring pinsan, galing umano silang Batangas at dumaan ng Odiongan ang barko. Nakita niya pa umano ito nang dumaon ang barko sa Odiongan hanggang sa umalis ito patungong Romblon, Romblon.
Nagtaka nalang umano ang kasama niya nang nasa Romblon sila ay di niya na mahagilap ang babaeng pasahero.
Ayon sa Coast Guard Station Romblon, hindi pa nil nakukumpirma na tumalon nga ang babaeng pasahero.
Inalerto na rin ng CGS Romblon ang mga Sub Station nito sa Tablas Island, Romblon upang magsagawa ng search operation upang kumpirmahen ang pangyayari.