by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 15 March 2016
Ipagdiriwang ng lalawigan ng probinsya ng Romblon bukas, March 16 ang ika-115 anibersaryo ng pagkakatatag nito at sa Marso 18 naman ay gugunitain ng lalawigan ang ika-71 na pagkakalaya nito noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Kaugnay nito, Idineklarang Provincial Holiday ang ika-16 at ika-18 ng Mraso kaya walang pasok sa lahat ng opisina (gobyerno o prbado) at antas ng mga eskwelahan sa buong lalawigan.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No.430, ‘Declaring the 18th day of March of every year as victory day in the Islands of Panay and Romblon, including cities of Iloilo and Roxas’ at Republic Act 9642, ‘An Act Declaring March 16 of every year as Romblon Day and a Special Non-Working Public Holiday in the Province of Romblon’.