Maghaharap bukas ng gabi, March 12, ang dalawa sa pinaka magagaling na boxer sa Pilipinas para masungkit ang bakanteng Philippine title sa Ynarez gymnasium sa Pasig City.
Makakalaban nang No. 2 rated na si Roberto Gonzales, tubong Romblon, si Arjan Caillas ng cebu sa main event ng “Laban Pinoy’ ng Saved By The Bell boxing promotions.
Ayon sa dalawa, bibigyan nila nang magandang laban ang mga manonood.
“Bibigyan namin ng magandang laban ang mga manonood,” ayon kay Gonzales na may record na 26 wins, 2 losses at 16 KOs.
“Magandang laban ito, pero depende sa kanila ‘yun,” ayon naman kay Canillas.
Sa weigh-in kanina sa Sharila Hotel sa Mandaluyong, parehong umabot sa 135 lbs ang timbang ng dalawa.