by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 30 March 2016
Isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang isang lalake matapos na maglaslas ito ng leeg habang naglalakad patungo sa gate ng Poctoy Port sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon pasado alas-9 ngayong umaga.
Ayon sa mga nakasaksi, naglalakad umano ang lalake galing sa Pay Park at may dala-dalang basag na bote nang biglang niyang laslasin ang kanyang leeg.
Sa video na nakunan ng isang witness, halos 30 segundo pa naglaslas ang lalake bago ito matumba.
Hindi umano taga-Romblon ang lalake at nakatira umano ito sa Pinamalayan at nagkamali lamang ng sakay kaya nakarating ng Odiongan kaninang madaling araw.
Ayon pa sa mga nakasaksi, maari rin umanong desperado ang lalake kaya naglaslas ito.
Iniimbestigahan na rin ng Odiongan Municipal Police Staiton ang pangyayari ang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng nasabing lalake.
Patuloy naman na inaalam ng Romblon News Network ang kalagayan ng lalakeng naglaslas.