by Steph Fajutag, Romblon News | Tuesday, 16 February 2016
Isang truck ang nahulog sa gutter at sumalpok sa isang puno kahapon ng tanghali sa Barangay Lawan sa bayan ng Alcantara sa Tablas Island.
Ayon sa imbestigasyon ng Alcantara Municipal Police Station, nawalan umano ng kontrol ang driver ng 6-wheeler Isuzu truck dahil sa mabilis umano ang takbo patakbo ng driver na nakilalang si Leonardo Galin.
Sakay ni Galin ang kanyang anak apat na taong gulang na anak at isang mekaniko na nakilalang si Ian Rivera.
Agad namang isinugod sa Romblon Provincial Hospital sa Odiongan ang driver ng truck kasama anak nito dahil sa sugat na natamo sa aksidente. Isinunod namang isinugod ang mekaniko na si Rivera matapos itong magsuka ng dugo habang kausap ng mga tauhan ng PNP.
Paliwanag ng driver, nasa test drive umano ang sasakyan ng mangyari ang aksidente.
Nagpapagaling na ang tatlo sa Hospital.