by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 05 February 2016
Tatlo ang sugatan sa nangyaring salpukan ng dalawang motorsiklo pasado alas-2 ng hapon kahapon, February 04, sa Barangay Liwanag sa bayan ng Odiongan.
Nakilala ang tatlo na sina Edgar Galicia, 36 taong gulang, isang technician at driver ng RUSI na motorsiklo; Randy Comia, 45 taong gulang, driver ng Motorstar na motorsiklo at si Rodel Sodoy, 50 taong gulang, sakay siya ni Comia.
Patungo umanong town proper si Galicia nang bigla umanong masalpok nang kasalubong niyang motorsiklo na minamaneho ni Comia at naging dahilan nang pagtilapon ng tatlo.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang dalawang motorsiklo sa gilid ng kalsada.
Agad namang dumating ang ambulansya ng Romblon Provincial Hospital at agad na sinakay ang tatlo.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, lumalabas na walang driver’s licence si Galicia, at wala ring plate number ang mga motorsiklong sangkot sa aksidente.
Napansin rin ng kapulisan na amoy alak ang dalawang sakay ng Motorstar na motorsiklo.