by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 13 February 2016
“We highly welcome all forms of business na gustong pumasok dito sa Odiongan at sa Romblon para na rin makatulong sa pag-asenso ng ating lugar.”
Yan ang mga pahayag ni dating Romblon Governor Chief of Staff at ngayong Mayoral candidate ng Liberal Party sa bayan ng Odiongan na si Trina Firmalo matapos hingiin ang kanyang komento tungkol sa pagpasok ng SM Blink Cinema ng SM Group sa Romblon.
Sa interview kay Firmalo sa programang Mata ng Bayan ni Awe Eranes sa Radyo Natin Odiongan nitong Sabado, sinabi niyang, maganda ito lalo na kung makakagawa ng employment para sa mga Romblomanon.
“Siyempre kung may business, meron yang employment,” pahayag ni Firmalo.
“Maganda rin yan kasi siyempre makakapanood na tayo ng mga bagong Pelikula at hindi na kailangang lumuwas pa,” dagdag pa ni Firmalo.
Sinubukan namang kunin ng Romblon News ang side ni Mayor Roger Fodra at ng isa pang kandidatong mayor sa Odiongan na si Robert Maulion ngunit hindi namin sila makontak.