Kapuri-puri ang ginawang pagtulong ng mga kapulisan ng Calatrava Municipal Police Station sa kanilang pagtulong sa isang gurong inatake sa puso sa Banton Island nitong Miyerkules.
Hindi alintana ng mga pulis ang mainit na sikat ng araw upang matulungan ang nasabing pasyente.
Ayon kay Police Senior Inspector Rockey Fojas, Officer-in-Charge ng Calatrava MPS, sakay umano ang pasyente ng maliit na bangka galing Banton Island at pagdating sa baybaying sakop ng Calatrava ay kanila itong tinulungang ibiyahe patungong Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan.