by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 02 February 2016
Naghahanap na ng bidders ang Police Regional Office MIMAROPA para sa pagtatayo ng bagong Municipal Police Station ng Calatrava PNP sa bayan ng Calatrava sa Romblon.
Sa nakuhang dokumento ng Romblon News, nakasaad ditong nagkakahalaga ng 4,643,952.94 pesos ang approved project ng proyekto.
ADVERTISEMENT
Inaanyayahan ng Police Regional Office MIMAROPA ang mga bidder na kayang tapusin ang proyekto sa loob ng 180 days na magsumite na ng dokumento sa kanilang opisina.