by Paolo Mendoza, Romblon News | Tuesday, 23 February 2016
Nagsimula na kahapon, February 22, ang araw-araw na brownout sa ilang bayan sa Tablas Island, Romblon.
Ang mga lugar na apektado ay ang buong bayan ng Ferrol, Barangay Dona Trinidad, Marisur, at Marinorte sa bayan ng San Andres; Barangay Magsaysay, Danao Norte, Danao Sur, Guinbirayan at Guintigbasan sa bayan ng Santa Fe.
8:30 AM hanggang 4:30 PM ang brownout na mararanasan sa mga nasabing lugar.
Ayon sa Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO, ang nasabing brownout ay dahil sa pagsasaayos ng mga distribution lines sa mga lugar na mawawalan ng supply ng kuryente.
Magtatagal ang nasabing kundisyon ng kuryente hanggang March 22.