by Steph Fajutag, Romblon News | Saturday, 13 February 2016
May forever para sa 11 na mansig-irog sa bayan ng Santa Maria, Romblon matapos silang sabay-sabay na ikasal kahapon, February 12, sa ginanap na kasalang bayan sa 3rd Floor ng Municipal Building ng bayan.
Ilan sa kanila ay may katandaan na at mas pinili nalang na maikasal sa kasalang bayan na handog ng local na pamahalaan ng Santa Maria upang makatipid na rin sa gastusin.
Soot ang kanilang kulay puting mga damit ay sabay-sabay silang nag “I Do”.
Ilan sa mga kinasal ay sina Robert Eugenio at Lynlyn Solis na halos ilang taon na ring magkasama ay ngayon palang nag pakasal.
Maganda rin umano itong regalo para sa mga couple ngayong araw ng mga puso.