by Renand Pastor, Romblon News | Thursday, 28 January 2016
Isang truck ang nahulog sa gutter habang ito ay papaakyat sa Inutod Bukid sa bayan ng Sta. Maria ngayong tanghali.
Maaaring nadulas umano ang truck dahil sa madulas na kalsada marahil na rin sa katatapos lamang umulan sa lugar nang mangyari ang aksidente.
ADVERTISEMENT
Ayon sa driver ng truck, hindi naman umano sila nawalan ng preno o di kaya ay nasiraan ng makina.
Ligtas naman ang driver ng truck at 3 niyang pahinante.