by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 03 January 2016
Mala blockbuster sa pelikula ng Metro Manila Film Festival ang pila ng mga pasahero sa Poctoy Port ngayong patapos na ang long weekend.
Mahigit 50 metro na ang pila sa ticketing ng Montenegro Shipping Lines Inc. para sa mga sasakay ngayong araw. Habang fully booked na ang biyahe ng 2Go Travel.
Ang mga pasahero ay biyaheng Batangas at inaasahang magbabalik eskwela at trabaho bukas sa iba’t ibang lugar sa Luzon.
Ang ilan sa kanila, kahapon pa umano naka pila at galing pa sa malayong bayan sa lalawigan ng Romblon at nagpalipas nalang nang magdamag sa pantalan upang makabili ng ticket ngunit hanggang ngayon wala parin silang nakukuha at inaasahang hindi parin makakasakay ngayong araw.
Naglabas na rin ng manipwesto ang pamunuan ng Montenegro Shipping Lines Inc. at naglilista na ng mga pasahero para sa araw ng Miyerkules dahil fully booked na ang biyahe bukas hanggang sa araw ng Martes.
Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga kapulisan at mga tauhan ng barangay upang hindi magkagulo sa lugar.