by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 25 January 2016
Aabot sa halos 40,000 pesos ang nalimas ng mga kawatan sa isang kainan sa bayan ng Odiongan nitong madaling araw ng Lunes, January 25.
Ayon sa impormasyon na nakuha ng Romblon News sa Odiongan Municipal Police Office, pasado alas-8 ng umaga ngayong araw ng sumugod sa estasyon ang isang Ronel Gallero, 26 taong gulang, cook sa Stuff House and Delicatessen, upang magsumbong na nanakawan umano ang kanilang kainan.
Natangay umano ng mga kawatan ang isang color black Toshiba Laptop, Tip Box na may lamang 500 pesos, ilang imported wines na nagkakahalaga ng P20,000 pesos, bluetooth speakers, pringles, at ilang barya.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, ang likod na pinto ng kainan ang ginamit ng mga kawatan na daanan papasok at palabas ng tindahan dala-dala ang mga tinangay na gamit.
Patuloy naman na iniialam ng mga awtoridad kung sino ang mga sangkot sa nasabing panloloob.