by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 21 January 2016
Patay na nang maabutan ng mga residente ng Barangay Matutuna sa bayan ng San Andres, Romblon ang isang ginang matapos itong walang habas na pagtatagain sa sariling pamamahay ng kanyang ikalawang asawa nitong Miyerkules ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Sanita Foja, 60 years old, tindera ng gulay at residente ng Barangay Matutuna, San Andres, Romblon.
Ayon sa police report ng San Andres Municipal Police Station, lasing umano ang suspek na si Ramir Foja, 54 years old, nang magkaroon nang pagtatalo ang dalawa dahil umano sa selos pamilya. Hindi na kasi umano napapansin ng babae ang kanyang asawa dahil umano sa mga anak lagi naka tuon ang atensyon ng ginang.
Nagtamo ang biktima ng saksak ng gulok sa kanang dibdib at sa likod ng kanyang ulo na naging sanhi ng agad niyang pagkamatay.
Nakatakas naman ang suspek at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Maaring maharap ang suspek sa kasong Parricide kapag madakip ng kapulisan.