by Stephanie Fajutag, Romblon News | Friday, 29 January 2016
Dalawang aksidente nanaman ang nangyari sa lugar kung saan nahulog ang isang truck kahapon sa Inutid Bukid, Santa Maria, Romblon.
Pasado-alas 12 kanina ay naaksidente sa motorsiklo si Sherwin Yap Marron, CEF ng KALAHI CIDSS sa nasabing bayan.
Ayon sa kwento ni Marron, galing umano siya sa Barangay Hall ng Barangay Con Sur at pabalik na sana ng opisina nang manyari ang aksidente.
Sobrang dulas umano ng daanan sa nasabing lugar dahil sa maulan na panahon.
Kwento pa ni Marron, ilang minuto palang umano nang siya ay bumangon sa pagkaka-slide ay may isa nanamang naaksidenteng motorsiklo sa lugar.
Nagtamo ng sugat si Marron at ang isa pang lalakeng naaksidente sa lugar kanina.