by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 17 December 2015
Isang negosyante sa bayan ng Looc, Romblon ang hinablutan ng bag na may lamang mahahalagang bagay magtatanghaling tapat kahapon, Miyerkules, December 16.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Romblon News, nakilala ang negosyante na si Recy Villarmino Cloud, residente ng Barangay Poblacion.
Sinabi rin ng source na ang lalakeng suspek ay nakatakas at patuloy na pinaghahanap ng Looc Municipal Police Station.
Ang nasabing insidente naman ay ikinababahala at ikinabigla ng ilang taga Looc dahil tanghaling tapat umatake ang nasabing kawatan at ito umano ang unang pagkakataon na merong snatcher sa nasabing bayan.
Patuloy naman na kinukuhaan ng Romblon News ang pamunuan ng Looc Municipal Police Station upang makuha ang kanilang pahayag patungkol sa istoryang ito.