by Dennis Evora, Romblon News | Friday, 25 December 2015
Dead on arrival sa health center ng Concepcion, Romblon ang isang senior citizen matapos na hampasin ng kahoy sa ulo ng kanyang dating nakaalitan ngayong araw mismo ng Pasko.
Nakilala ang biktima na si Alejandre Enduma, residente ng Barangay Sampong, samantalang ang suspek ay nakilalang si Donoy Fesalbon, isang empleyado ng munisipyo.
Ayon sa mga witness sa lugar, pasado alas 4 ng hapon nangyari ang krimen sa mismong Barangay ng biktima.
Hawak na ng Concepcion Municipal Police Station ang suspek at patuloy na iniimbestigahan.
Maaring maharap sa kasong homicide ang suspek kung sakaling mapatunayan sa hukuman ang kanyang pagkakasala.