by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 09 December 2015
Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) ang isa sa mga Most Wanted Person (MWP) sa lalawigan ng Romblon sa isang operasyon sa Quezon City last week.
Ayon kay Superintendend Jay Agcaoili, DSOU chief, ang nasabing lalake ay si Alvin Mojar Alvaran, 21 taong gulang at residente ng Romblon, Romblon at kasalukuyang nakatira sa Barangay Banabam San Mateo, Rizal.
Dagdag pa ni Agcaoili, nadakip si Alvaran sa pangunguna ni Chief Inspector Melvin Madrona, kasama ang ilang operatiba ng Romblon Municipal Police Station (MPS) sa Farmers sa Cubao, Quezon City pasado alas 5 ng hapon.
Si Alvaran ay may kasong robbery at may warrant of arrest na inilabas ni Judge Ramiro R. Geronimo ng Romblon Regional Trial Court Branch 81.