by Dennis Evora, Romblon News | Monday, 28 December 2015
Isinasagawa sa bayan ng Sibale ang isang clean-up drive sa mga kakalsadahan at mga dalampasigan palibot ng isla.
Ang nasabing clean-up ay inisponsuran at pinonduhan ng International Labor Organization (ILO) sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Local Governmen Unit sa tulong na rin ni Usec. Nicon Fameronag.
Magtatagal ang clean-up operation hanggang sa ganap ng malinis at maalis ang mga kalat paikot ng isla na sanhi ng nagdaang bagyong Nona dalawang linggo na ang nakakaraan.
Prayoridad ng mga DOLE ang rehabilitasyon sa tatlong islang nasalanta ng bagyong Nona.