by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 13 October 2015
Sinalpok ng isang truck na pagmamay-ari ng isang marble company sa bayan ng Romblon ang pader ng Romblon Port, pasado alas-12 ng tanghali kahapon, October 12.
Ayon sa kwento ni Lester Flaviano, nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang takbo ng truck bago ito sumalpok sa pader.
Kwento naman ng driver ng truck, napansin umano niyang wala nang preno ang kanyang sasakyan habang nasa Barangay 4 palang sila.
Dagdag ng driver, may dala umano silang mga marmol na iaangkat sana paluwas ng Romblon nang mangyari ang aksidente.
Nagtamo naman ng kunting galos ang driver at mga pahinante ng truck. Wala namang nadamay sa nangyaring aksidente.
Nangako naman ang kompanya na babayaran ang mga damages nito sa pantalan sanhi ng pangyayari.