by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 11 October 2015
Sinampahan na kaninang umaga sa Romblon Prosecutor’s Office ng 2-counts of murder ang dalawang suspek sa pagpatay sa mag-asawang Felix at Ofelia Baraca.
Ayon sa natanggap na impormasyon ng Romblon News, sinampahan ng kasong 2-counts of murder sina Avelino Galit Gallos Jr., 19 taong gulang, at si Christian Minggo Rose, 22 taong gulang.
Hindi naman sinampahan ng kaso si Marven Rose matapos na tumayong vital witness sa nasabing krimen na nangyari sa bayan ng Alcantara nitong September 29.
Matatandaang kusang sumuko ang tatlong suspek nitong October 09 sa mga tauhan ng Alcantara Municipal Police Station na sumundo pa sa kanila sa probinsya ng Pampanga.
Ang mga nasabing suspek ay inaasahang ikukulong sa BJMP Odiongan Distrct Jail.