by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 24 October 2015
Kasalukuyang nasa Metro Manila ngayon ang Romblon Dolphins upang dumalo sa kauna-unahan nilang pagsali sa MABUHAY CUP Football Tournament na gaganapin sa October 25 sa Alabang Country Club sa Muntinlupa City.
Ang mga nasabing grupo ay binubuo nina John Kenneth Garcia, Jomel Grachico, JB Francisco, Josiah Francisco, Harry Reyes, Alvin Laurente, John Ruben Morales, at Mark Joseph Pastor.
Ayon kay Johnny Calawod, coach ng Romblon Dolphins, first time nilang sumali sa 1-day 8-a-side football tournament na ito na inaasahang lalahukan ng iba’t ibang school sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan sa Luzon gaya ng Pampanga, Laguna at Cavite.
Minsan na ring nag-1st runner up ang grupo sa ginanap na Cherifer Cup noong 2012 sa Fort Bonifacio kung saan tinalo nilang ang 19 teams na lumahok.
Sumali na rin sila sa iba pang kompetisyon katulad ng Alaska Cup, De La Salle-Zobel Cup, at Roxas Cup sa Batangas.