By Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 13 October 2015
Isang mamahayag sa Manila ang nag-anunsyung tatakbo siya sa pagka-Mayor sa bayan ng Santa Fe sa Tablas Island, Romblon.
Ayon sa Facebook Post Joey Vinancio, wala na umanong atrasan ito.
“Tama na ang 21 Years. Enough for them. ” ayon sa post ni Valencio na hawak-hawak ang tarpulin ng kanyang mga kapartido.
si Valencio ay matagal ng reporter ng Police Files Tonight, isang pahayagan na naka base sa Metro Manila.
Inaasahang makakalaban ni Valencio si incumbent Mayor Asher Visca ng Liberal Party.