by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 02 October 2015
Natagpuan kahapon ng mga residente ng Sitio Sibukaw, Barangay Camili sa Alcantara ang mag-asawang wala ng buhay at may laslas sa leeg.
Nakilala ang mga biktima na sina Felix Baraca, 64 taong gulang, at ang kanyang asawa na si Ofelia Baraca, 79 taong gulang.
.
Ayon sa pamunuan ng Alcantara Municipal Police Station, pasado alas-7 ng gabi ng October 01, ng makita umano ni Jerry Baraca, 38 taong gulang ang kanyang mga magulang na may saksak sa likod, laslas ang leeg, at wala ng buhay.
Agad naman umano siyang nagsumbong sa mga kapitbahay at nagtawag ng kapulisan.
Ayon sa sumiring Physician, nasa post- mortem na umano ang katawan ng mag-asawa, posibilidad na matagal na umano silang patay.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng Alcantara MPS at ng SOCO ang krimen at inaalam kung sino ang pumatay sa mag-asawa.