by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 17 October 2015
Inanunsyo ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO na mawawalan ng kuryente ang dalawang barangay sa bayan ng Odiongn ngayong araw, October 17.
Ayon sa TIELCO, mawawalan ng kuryente ang mga bahay na sakop ng Barangay Budiong at Barangay Canduyong.
Ang nasabing power interruption ay dahilan ng isasagawang pagsasaayos ng mga construction team sa kanilng tpping pole sa Sitio Uper Ilang-Ilang sa Barangay Budiong.
Magsisimula ang brownout alas-8 ng umaga at magtatapos alas-12 ng tanghali.