by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 26 October 2015
Photo Courtesy: CIDG4B-MIMAROPA
Nadakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4B – MIMAROPA matapos ang isang matagumpay na operasyon sa isang fast food chain sa Buendia Taft Avenue sa Pasay City nitong Sabado, October 24, ang lalakeng may kasong panggagahasa sa 14-taong gulang na kapatid ng kanyang kinakasama sa Looc, Romblon noong 2014.
Ayon kay SPO2 Carlos Nanasca, RESPO at Team Leader sa isanagawang operasyon, nadakip nila si Bong Sagiban Condes alyas “Bong-Bong”, 27 taong gulang at residente ng Sitio Baiyan, Barangay Limon Sur, Looc, Romblon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Jose Madrid noong Februray 26, 2015.
Napag-alaman naman sa pamamagitan ng mga litrato ni Condes sa social networking site na Facebook na isa siyang army reservist.
Dinala na sa bayan ng Odiongan si Condes sakay ng barko upang iharap sa korte.