Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Corcuera ang walong indibidwal matapos masiraan ng bangka habang naglalakbay pauwi sa Barangay Suja, Torrijos, Marinduque.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Corcuera, nagmula sa Romblon ang mga indibidwal at pauwi na sana sa kanilang destinasyon nang makaranas ng aberya ang sinasakyan nilang bangka.
Matapos ang rescue operation, agad silang inasikaso ng MDRRMO at Municipal Social Welfare and Development Office ng Corcuera para sa paunang tulong, pagkain at pagsusuri sa kanilang kalagayan.
Pansamantala silang nananatili sa tanggapan ng MDRRMO Corcuera habang inaayos ang kanilang ligtas na pag-uwi sa Marinduque.


























