Naitala ang Magnitude 4.0 na lindol nitong September 13, 2026, alas-12:16 ng madaling araw, ayon sa PHIVOLCS.
Ayon sa Earthquake Information No. 1, nasa 10 kilometro ang lalim ng lindol at ang epicenter ay nasa 20 kilometro hilagang-kanluran ng Caluya, Antique.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa Odiongan, Romblon.
Naramdaman din ang pagyanig sa City of Roxas, Capiz; Magsaysay at San Jose, Occidental Mindoro; Malay, Aklan; at Roxas, Oriental Mindoro.
Walang inaasahang aftershocks at damages ang Phivolcs dahil sa lindol. See less


































Discussion about this post