Ipinagdiwang ngayong September 8 ang kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria sa Grotto de Banloc sa bayan ng Looc, Romblon, na dinaluhan ng mga deboto at kasapi ng Simbahang Katolika.
Nagsama-sama ang mga deboto upang manalangin, mag-alay ng mga bulaklak at makiisa sa simpleng paggunita sa kaarawan ng Birheng Maria.
Matapos ang panalangin, nagsalo-salo rin ang mga dumalo sa simpleng almusal na binubuo ng pandesal, hamon at keso bilang bahagi ng pagdiriwang.
Labing-isang taon na mula nang maitatag ang Grotto de Banloc, na patuloy na nagsisilbing lugar ng panalangin at debosyon, gayundin isang pasyalan sa bayan ng Looc.
Itinayo ang grotto ng mag-asawang Jonathan Tansingco Gaytano at Virna Condes-Gaytano at mula noon ay naging isa sa mga kilalang dinarayo ng mga residente at bisita sa bayan.
Para sa mga deboto, patuloy na nagsisilbing lugar ang Grotto de Banloc upang manalangin at magpasalamat sa mga biyayang natatanggap, habang humihingi rin ng pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.
Ang September 8 ay tradisyunal na ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika bilang Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary, o Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.


































Discussion about this post