Isinagawa ang peace rally at information campaign sa bayan ng Romblon noong Abril 30 bilang bahagi ng mga paghahanda para sa inaasahang pagpapaigting ng lalawigan bilang Stable Internal Peace and Security (SIPS) Area.
Ayon sa 1st Infantry Battalion Philippine Army, layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng publiko, partikular ng kabataan, hinggil sa kahalagahan ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Sa inilabas na pahayag ng battalion, binigyang-diin na patuloy umanong sinusubukang targetin ng ilang grupo ang kabataan sa pamamagitan ng panlilinlang, propaganda, at tinatawag na “terror-grooming” sa mga paaralan at pamantasan.
Nakiisa sa aktibidad ang mga estudyante, youth leaders at Sangguniang Kabataan (SK) mula sa iba’t ibang barangay, gayundin ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan at security forces, na nagpahayag ng suporta sa pagsusulong ng ligtas na komunidad at mga paaralan.
Ang peace rally ay bahagi ng patuloy na kampanya ng mga ahensya ng pamahalaan at security sector upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.
Noong Pebrero 2019, idineklara ang Romblon bilang insurgency-free, at patuloy ang mga hakbang upang mapanatili ang nasabing estado.



































Discussion about this post