Dinagsa ng mga residente ng Magdiwang ang Magdiwang Public Cemetery ngayong umaga sa kabila ng makulimlim na panahon dala ng bagyong Ramil.
Ang ilan sa mga bumisita sa kanilang mga kamag-anak na yumao ay dumalo muna sa isang misa sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish bago dumiretso sa sementeryo para magtirik ng kandila, mag-alay ng bulaklak at dasal.
Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Magdiwang Municipal Police Station kasama ang Bureau of Fire Protection at ilang grupo para mapanatiling maayos ang siguridad sa sementeryo ngayong UNDAS.
{googleads center}


































