Isinagawa nitong Mayo 27 ang pamamahagi ng fuel subsidy cards para sa 17 kwalipikadong mangingisda sa bayan ng Concepcion bilang bahagi ng suporta ng pamahalaan sa sektor ng pangisdaan.
Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng fuel subsidy card na naglalaman ng halagang ₱3,000 na maaaring gamitin pambili ng fuel para sa kanilang mga bangkang de-motor.
Kasabay rin ng aktibidad ang pamamahagi ng 23 set ng multiple hook and lines para sa mga lokal na mangingisda sa bayan.
Pinangunahan ang aktibidad ni Luisito Manes kasama sina Limwel F. Cipriano at Micah F. Matucad.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng programa na magbigay ng ayuda at kagamitan para sa mga mangingisda bilang suporta sa kanilang kabuhayan at produksyon sa pangingisda.
Ang pamamahagi ay bahagi ng mga programang ipinatutupad para sa sektor ng pangisdaan sa lalawigan.



































Discussion about this post