Bumisita ng South Cotabato sa Mindanao ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Romblon sa pangunguna ni Governor Trina Firmalo-Fabic at Vice Governor Arming Gutierrez para silipin ang mga magagandang programa ng probinsya pagdating sa kalusugan.
Kasama ang ilang opisyal ng lalawigan, inikot ng delegasyon ang Provincial Hospital ng South Cotabato kung saan kanilang nakita nang personal kung paano ipinatutupad ang libreng hospitalization program ng probinsya, isang serbisyong matagal nang kinikilala sa buong bansa.
Ibinahagi rin ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang iba pang flagship programs ng kanilang pamahalaan, kabilang ang libreng edukasyon, mas pinalawak na healthcare assistance, at iba pang serbisyong nagbibigay-ginhawa sa kanilang mga mamamayan.
Ayon sa mga opisyal ng Romblon, layunin ng pagbisita na matukoy ang mga best practices na maaaring maiangkop sa lalawigan upang mas mapaigting ang serbisyong medikal at social support para sa mga Romblomanon.




































Discussion about this post