Pinasalamatan at pinarangalan ng Police Regional Office MIMAROPA ang 100 pulis mula Romblon matapos maging bahagi ng contingents na ipinadala sa Metro Manila upang tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa malalaking kilos-protesta noong Nobyembre 16 hanggang 17 na nagkundena sa korapsyon sa gobyerno.
Ang mga tauhan mula Romblon ay kabilang sa 1,000 pulis ng PRO MIMAROPA na ipinasok bilang karagdagang puwersa upang masiguro ang kaayusan sa mga lugar ng pagtitipon, na tinatayang dinaluhan ng halos 700,000 katao.
Dumating ang grupo sa lalawigan kaninang madaling-araw mula sa kanilang deployment at sinalubong sa isang Heroes' Welcome Ceremony na ginanap sa Romblon Provincial Mobile Force Company Headquarters sa Odiongan.
Pinangunahan ni Col. Rexton Sawi ang paggawad ng Medalya ng Kadakilaan sa mga pulis bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, sakripisyo, at matatag na serbisyo upang mapanatiling ligtas ang publiko sa gitna ng malawakang protesta.
Pinuri ni Sawi ang husay at tapang ng contingents mula Romblon, na aniya’y nagsilbing mahalagang suporta sa matagumpay at mapayapang pagdaraos ng mga rally sa kabisera.




































Discussion about this post