Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na kabilang ang siyam na bayan sa Romblon sa mga kwalipikadong lokal na pamahalaan (LGUs) para sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG).
Ang mga bayang Banton, Calatrava, Looc, Magdiwang, Romblon, San Agustin, San Fernando, San Jose, at Santa Fe ay kabilang sa 714 na LGUs sa buong bansa na aayudahan sa pagkakaroon ng magandang pamamahala at transparency sa kanilang serbisyo.
Ang mga bayan na ito ay dumaan sa masusing evaluation base sa sampung governance areas ng SGLG, kabilang ang Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, at Peace and Order.
Iginagawad ng DILG ang SGLG sa mga LGU na nagpapakita ng mga natatanging kakayahan sa pamamahala, pagkakaroon ng kaligtasan, at kahandaan sa sakuna, bilang pagkilala at pagsuporta sa kanilang patuloy na pagsisikap na magbigay ng makabuluhang serbisyo sa publiko.