Simula October 21 ay tatlong beses na lalayag patungong Odiongan, Romblon mula Roxas, Oriental Mindoro ang barko ng Starlite Ferries.
Ayon sa advisory ng shipping lines, babiyahe na ang barko nila tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo.
Aalis ito ng Danggay Port ng alas-5 ng hapon, at aalis naman ng Odiongan pabalik ng Danggay Port ng alas-8 ng gabi.
ADVERTISEMENT
Ang pagdagdag ng biyahe ng barko patungong Roxas ay sagot sa kahilingan ng publiko na sana ay madagdagan ang biyahe na magkokonekta sa isla ng Mindoro at Romblon.