Wala ng buhay ng matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang katawan ng isang lalaki sa karagatang sakop ng Balatan, Camarines Sur kahapon.
Kinilala ang mangingisda na si Joel Rabino Caragay, 48-anyos, isang mangingisda mula Brgy. Marigondon, Cajiodocan, Romblon.
Si Caragay ay umalis ng Cajidiocan noong May 31 at pumalaot para mangisda ngunit nagdaan ang bagyong Dante ay hindi ito nakabalik ng isla.
Ilang araw hinanap si Caragay ng kanyang mga kamag-anak at ipinanawagan hanggang sa matagpuan sa Camarines Sur kahapon.
Nakikipag-ugnayan na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga counterpart nito sa Camarines Sur upang maibalik ng maayos ang katawan ni Caragay sa Sibuyan Island.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Cajidiocan na magpaabot sila sa pamilyang naiwan ni Caragay.